Magulong isipan, hindi ko alam kung saan patungo. Minsan maayos ang takbo, minsan bali baliko. Minsan may patutunguhan, madalas paikot ikot nalang. Ano nga ba ang dapat kong gawin sa magulo kong isipan.
Ako nga pala si Leah. Simpleng kabataan na may extraordinary life. Wala naman akong super powers pero extraordinary ang life ko, na kadalasan...naiisip kong boring na ito. Magulo diba? Sabi ko sa iyo ee, magulo pag iisip ko.
Maliit lang akong tao, 4"8' ang height, maliit lang din ang size ng paa ko...5 inches, pero may size 4 inches akong wedge, magulo ulit diba? Ganun talaga ang buhay, inconsistent. Tinanggap ko nalang na ganun talaga ako. Hindi naman sa hindi ako kuntento, oh nalulungkot ako na ganun ako. Inisip ko nalang na ganun ang buhay ee, hindi lahat ng gusto mo mapapasayo. Hindi lahat ng maganda ay bagay sayo. Sa ngayon, natutunan ko nang maging proud sa sarili ko, hindi naman sa nagiging hambog ako o mayabang...dapat kasi magsimula sa utak ko ang positive vibes para maging positive din ang vibes ng iba sakin. Nagiging magulo na ba? Sabi ko sayo ee...
Kakaiba. Gusto ko kakaiba ako, ayoko nung tipong kapag tinapat o hinelera ako sa iba ee sasabihing pare pareho lang kami. Gusto ko iba ako. Kung sa paanong paraan? Hindi ko din alam. ang alam ko lang, gusto ko kakaiba ako.
Ayoko nang kinukumpara ako sa iba. Ayoko ng nahahlintulad sa iba. hindi naman sa selfish ako pero ang point ko kasi..iisa lang si Leah. Hindi mo sya pwedeng ikumpara sa iba, o ihalintulad. May sarili akong identity...na kapag narecognize ng iba...masasabi nila na "ah si Leah lang yun". wala nang iba pa.
Simple lang naman ang buhay diba? Tao lang talaga ang nagpapakumplikado rito. Minsan sa sobrang talino ng tao nakaklimutan na nya ang basic...masyadong malawak mag isip. Ako? Simulan sa simula...tapusin sa huli. ganun lang ka simple. Sa akin kasi, wag muna mag step sa next level kung hindi pa tapos sa first level. Ang buhay ay isang proseso, minsan chronological order pa nga dapat, pero hindi palagi. May mga oras o pagkakataon na kailangan mong balikan yung isang stage para matutunan o maalala yung aral na dapat mong baunin. Magulo na ba? Pasensya na. Magulo kasi talaga utak ko.
Tama o MAli? ako yung taong pag alam kong tama ako, hindi ako tatahimik. hindi naman sa palaaway ako, o aktibista ako. Ayoko lang nang tinatapak tapakan ako. Hindi ako nagpapatalo lalo na kung alam kong may laban ako at tama ang pinaglalaban ko. Pero alam ko rin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ako, ganun talaga. Ang buhay ay parang isang gulong. Minsan nasa taas ka, minsan nasa baba. Alin man ang posisyon mo sa dalawa, dapat matuto ka.
Magulo ang utak ko, pero hindi ako baliw. Mahilig lang talaga ako mangatwiran. Pangatwiranan ang mga bagay na nasa utak ko at mga bagay na nasa utak ng iniisip kong kausap ko. Madalas kaaway ko sarili ko. Pero hindi ko naman sya sinasaktan...mahirap ipaliwanang pero ang alam ko lang, magulo talaga utak ko. Pero hindi talaga ako baliw...
P.S.
Wag mo ko ngingitian pag una palang tayo magkikita.
Oh kaya naman ay sasabihan ng hindi maganda. Wag ka din tititig ng matagal, lalo na pag wala kang balak na kausapin ako. Hindi naman kita sasaktan pag ginawa mo yun, kaso gugulo nanaman utak ko.

please leave a comment :) thank you
TumugonBurahin