Martes, Marso 11, 2014

BLAME IT ON ME

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng thesis, nang bigla nalang tumulo ang luha ko. Nasa tabi ko siya, mga ilang oras na mula nang pagdating nya galing sa labas. Tinitingnan ko siya, walang reaksyon...ni wala halos pakialam sa kung anong tumatakbo sa utak ko. O baka naman ako lang ang nag-iisip nun? Baka naman hindi lang nya ipinapaalam kung ano talaga ang iniisip nya, baka naman concern din siya pero ayaw lang ipahalata. Baka nga, Baka nga. 

Minsan mahirap din palang sarilinin ang lahat. Sabi ko nga sa isa kong facebook status, "Pinipilit kong ngumiti, pinipilit kong magtimpi", kasi sabi ng karamihan, ang taong mapagtimpi ay matatag at ang taong nakakangiti padin sa oras ng kalungkutan ay malakas. Tama naman, hindi lahat ng kahinaan mo ay ipapakita mo sa lahat ng tao sa lahat ng oras. Minsan mas magandang palampasin nalang o kaya hindi nalang pag usapan para hindi laging nagkaka diskusyon. Mali din pala! Mahirap din palang kimkimin ang lahat. 

Masyado lang ba akong emosyonal at insecure sa iba? Masyado na nga ba akong mapaghinala na minsan wala na sa lugar at nakakapak na sa ego ng iba? Pano ko ba ito ihahandle? Nakakapagod lang mag isip! Nakakaiyak. Lalo na kapag naramdaman mong nakakakita sya ng mas maganda sayo, mas may katangian, taong kayang kaya syang nakawin sayo. Na minsan kulang nalang gusto mo syang igapos, gusto mo syang talian at ikulong nalang. Pero alam mong hindi yun kailanman magiging tama. Yung pakiramdam na takot ka. Takot na takot kang mawala siya, na baka malingat ka lang maagaw sya ng iba, na baka sumaya sya iba at marealize nya na kaya naman pala niyang maging masaya kahit wala ka. 

Takot kang maiwan kasi alam mong wala nang matitira sayo kapag nawala siya. Takot kang magsimula sa pinaka una na wala nna siya, kasi alam mong hindi na yun magiging katulad ng dati. At higit sa lahat takot kang hindi na makilala yung sarili mo kasi wala na sya, kulang ang pagkatao mo kapag wala siya. Ang tanong, bakit ikaw lang ata ang nakakaramdam nyan? Bakit ikaw lang ang umiiyak ng ganyan? Bakit ikaw lang?

Hanggang ngayon hindi parin ako sigurado. Hindi ako kampante. Takot parin ako. Pinag aralan ko nang planuhin ang buong buhay ko kasama siya pero yung simpleng paglimot hindi ko magawa. Taakot na takot akong mawala siya. 

Ayoko nang magalit, ayoko nang umiyak. Pero ayaw kitang bitawan. Minsan iniisip kong "Sige na, tama na. isag sakitan nalang paara tapos na", pero naiisip ko paring hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya.