Martes, Marso 11, 2014

BLAME IT ON ME

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng thesis, nang bigla nalang tumulo ang luha ko. Nasa tabi ko siya, mga ilang oras na mula nang pagdating nya galing sa labas. Tinitingnan ko siya, walang reaksyon...ni wala halos pakialam sa kung anong tumatakbo sa utak ko. O baka naman ako lang ang nag-iisip nun? Baka naman hindi lang nya ipinapaalam kung ano talaga ang iniisip nya, baka naman concern din siya pero ayaw lang ipahalata. Baka nga, Baka nga. 

Minsan mahirap din palang sarilinin ang lahat. Sabi ko nga sa isa kong facebook status, "Pinipilit kong ngumiti, pinipilit kong magtimpi", kasi sabi ng karamihan, ang taong mapagtimpi ay matatag at ang taong nakakangiti padin sa oras ng kalungkutan ay malakas. Tama naman, hindi lahat ng kahinaan mo ay ipapakita mo sa lahat ng tao sa lahat ng oras. Minsan mas magandang palampasin nalang o kaya hindi nalang pag usapan para hindi laging nagkaka diskusyon. Mali din pala! Mahirap din palang kimkimin ang lahat. 

Masyado lang ba akong emosyonal at insecure sa iba? Masyado na nga ba akong mapaghinala na minsan wala na sa lugar at nakakapak na sa ego ng iba? Pano ko ba ito ihahandle? Nakakapagod lang mag isip! Nakakaiyak. Lalo na kapag naramdaman mong nakakakita sya ng mas maganda sayo, mas may katangian, taong kayang kaya syang nakawin sayo. Na minsan kulang nalang gusto mo syang igapos, gusto mo syang talian at ikulong nalang. Pero alam mong hindi yun kailanman magiging tama. Yung pakiramdam na takot ka. Takot na takot kang mawala siya, na baka malingat ka lang maagaw sya ng iba, na baka sumaya sya iba at marealize nya na kaya naman pala niyang maging masaya kahit wala ka. 

Takot kang maiwan kasi alam mong wala nang matitira sayo kapag nawala siya. Takot kang magsimula sa pinaka una na wala nna siya, kasi alam mong hindi na yun magiging katulad ng dati. At higit sa lahat takot kang hindi na makilala yung sarili mo kasi wala na sya, kulang ang pagkatao mo kapag wala siya. Ang tanong, bakit ikaw lang ata ang nakakaramdam nyan? Bakit ikaw lang ang umiiyak ng ganyan? Bakit ikaw lang?

Hanggang ngayon hindi parin ako sigurado. Hindi ako kampante. Takot parin ako. Pinag aralan ko nang planuhin ang buong buhay ko kasama siya pero yung simpleng paglimot hindi ko magawa. Taakot na takot akong mawala siya. 

Ayoko nang magalit, ayoko nang umiyak. Pero ayaw kitang bitawan. Minsan iniisip kong "Sige na, tama na. isag sakitan nalang paara tapos na", pero naiisip ko paring hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. 


Martes, Agosto 27, 2013

Tama nga naman...


          Noong una lagi ko nalang iniisip na dapat malaman ko ang mga bagay bagay sa tamang panahon. Tama nga naman, dapat naman talaga ee, sa tamang panahon. Yung tipong natuto ka ng ganitong bagay noong 17 years old ka, tapos dapat matutunan mo na lahat at that stage. I mean lahat ! Tama parin ba? Naisip ko, hindi ata.
         
          19 years old na ako, marami akong natutunan nung mga nasa 16-18 years old palang ako. Thats due to some things na pinagdaanan ng pamilya ko. Lagi ko nalang yun binabalikan, at sa tuwing babalik ako sa mga oras na umiyak ako, nanghina, natawa at nagtanim ng sama ng loob...mulit-muli parin akong bumabalik sa puntong sasabihan ko ang sarili kong, "Tama na Leah, tapos na magmove-on ka na". Move on? Hindi lang naman pang lovelife lang ang mga katagang iyan, kasi ako...everytime na may mararanasan akong mabigat na problema at dumating na ako sa pagkkataong nakapag-move on na, minsan hindi talaga mapigilan at maiwasan ang pagkakataong may babalik mula sa nakaraan. Ayun bagong pagkatuto na naman, may mga marerealize ka na namang mga bagay na mas tama sanang ginawa mo. Mas tama, meaning to say a "would be" better answer for all your problems and troubles. 
            
            Parang ang hirap tuloy intindihin, kasi hindi pala at that point of time ay matutunan mo ang lahat. Tama nga naman kasi, "Learning is a continuous process", it's never ending. Minsan kailangan talgaa paulit-ulit mong matutunan at pagdaanan para mamaster mo kung anuman ang dapaat mong matutunan. Para pag dumating yung point na magkakaproblema ka ulit, alam mo na yung gagawin. Tama nga naman.
At this point of time parang andamin paulit ulit na bagay  na nangyayari sa akin. Parehas lang ba yung natututunan ko? Hindi ko parin sure. It's as if there is a cycle. E kung iisipin mo naman talaga, kung nadapa ka dati...dapat alam mo na kung saan nakapwesto yung lubak para sa susunod hindi ka na ulit madapa.Pero diba, hindi mo naman kontrolado ang galaw ng mga tao? Minsan din kasi sila pa yung nagtutulak sayo para talaga madapa ka. Minsan, tama naman yun. Minsan. 


-LeiRoque

Biyernes, Hunyo 14, 2013

Cancer

Nagbakasyon na naman kami ng mga kaibigan ko, dalawang araw at isang gabing bakasyon na naman ang lalasapin namin. Masyado nang maraming problema ang hinaharap namin, masyadong maraming bagay na gustong ipaglaban kahit na alam mong hindi mo kaya, mga bagay na baka hindi mo magawa kasi baka maubusan ka na ng oras para gawin to.

May ikukwento ako, kwento to ng isang kaibigan na hindi ko alam kung hahangaan ko o kaaawaan ko. Mahirap, masakit, nakakaawa. Ganyan ko sya idescribe. Minsan nga narinig ko syang idescribe ng mga kaibigan namin bilang, "SAYANG". Nalungkot ako ng marinig ko  yun. Gusto kong sumigaw para sa kanya, gusto kong maiyak para sa kanya pero ayaw ko. Ayoko ipakita sakanya na naghihina ako, ayoko ipakita na malungkot ako o naawa ako sa kanya kase alam kong ayaw nya ring makita na ganun ako sa kanya.

Siguro nagtataka kayo kung ano ang meron sa kaibigan kong ito. May sakit sya, sa utak. Nakakatawa pakinggan noh? Ano sya baliw? Nag jo joke ba sya? Pero sana nga joke nalang nya yun, sana nga joker lng yung tumor sa utak nya. Pero kahit anong gusto kong isipin na joke yun, alam kong hindi nya kayang magbiro ng ganun lalo na sa aming mga kaibigan nya.

Masayahin syang tao, palatawa, kengkoy... minsan seryoso sya, minsan tawa lang ng tawa. Hindi mo kakikitaan na nanghihina sya, pwera nalang kung talagang pagod kasi bumabagsak talaga katawan nya, nakakatulog sya kahit nakaupo. Sana hindi nalang totoo. Sana mahaba pa ang buhay ng kaibigan ko.

Sa bawat araw na nakikita ko sya, hindi parin nawawalan ng pag asa ang mga mata nya. Kumikislap parin na para bang walang nangyayari sakanya. Ngumingiti parin na para bang hindi sya nasasaktan. Ano bang dapat kong maramdaman para sakanya? Maaawa ba ako, o hahanga? Hanggang kelan ko pa kaya sya makikita o makakasama? Sana maalagaan ko sya.

P.S.

Hindi lahat ng nakikita ay katotohanan, at hindi lahat ng pinapakita ay totoo. Theres a deeper story behind every simple or extravagant things. 

Hindi Lahat ng Gusto mo Ma-papa Sa'yo

Magulong isipan, hindi ko alam kung saan patungo. Minsan maayos ang takbo, minsan bali baliko. Minsan may patutunguhan, madalas paikot ikot nalang. Ano nga ba ang dapat kong gawin sa magulo kong isipan.

Ako nga pala si Leah. Simpleng kabataan na may extraordinary life. Wala naman akong super powers pero extraordinary ang life ko, na kadalasan...naiisip kong boring na ito. Magulo diba? Sabi ko sa iyo ee, magulo pag iisip ko. 

Maliit lang akong tao, 4"8' ang height, maliit lang din ang size ng paa ko...5 inches, pero may size 4 inches akong wedge, magulo ulit diba? Ganun talaga ang buhay, inconsistent. Tinanggap ko nalang na ganun talaga ako. Hindi naman sa hindi ako kuntento, oh nalulungkot ako na ganun ako. Inisip ko nalang na ganun ang buhay ee, hindi lahat ng gusto mo mapapasayo. Hindi lahat ng maganda ay bagay sayo. Sa ngayon, natutunan ko nang maging proud sa sarili ko, hindi naman sa nagiging hambog ako o mayabang...dapat kasi magsimula sa utak ko ang positive vibes para maging positive din ang vibes ng iba sakin. Nagiging magulo na ba? Sabi ko sayo ee...

Kakaiba. Gusto ko kakaiba ako, ayoko nung tipong kapag tinapat o hinelera ako sa iba ee sasabihing pare pareho lang kami. Gusto ko iba ako. Kung sa paanong paraan? Hindi ko din alam. ang alam ko lang, gusto ko kakaiba ako.

Ayoko nang kinukumpara ako sa iba. Ayoko ng nahahlintulad sa iba. hindi naman sa selfish ako pero ang point ko kasi..iisa lang si Leah. Hindi mo sya pwedeng ikumpara sa iba, o ihalintulad. May sarili akong identity...na kapag narecognize ng iba...masasabi nila na "ah si Leah lang yun". wala nang iba pa. 

Simple lang naman ang buhay diba? Tao lang talaga ang nagpapakumplikado rito. Minsan sa sobrang talino ng tao nakaklimutan na nya ang basic...masyadong malawak mag isip. Ako? Simulan sa simula...tapusin sa huli. ganun lang ka simple. Sa akin kasi, wag muna mag step sa next level kung hindi pa tapos sa first level. Ang buhay ay isang proseso, minsan chronological order pa nga dapat, pero hindi palagi. May mga oras o pagkakataon na kailangan mong balikan yung isang stage para matutunan o maalala yung aral na dapat mong baunin. Magulo na ba? Pasensya na. Magulo kasi talaga utak ko.

Tama o MAli? ako yung taong pag alam kong tama ako, hindi ako tatahimik. hindi naman sa palaaway ako, o aktibista ako. Ayoko lang nang tinatapak tapakan ako. Hindi ako nagpapatalo lalo na kung alam kong may laban ako at tama ang pinaglalaban ko. Pero alam ko rin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ako, ganun talaga. Ang buhay ay parang isang gulong. Minsan  nasa taas ka, minsan nasa baba. Alin man ang posisyon mo sa dalawa, dapat matuto ka.

Magulo ang utak ko, pero hindi ako baliw. Mahilig lang talaga ako mangatwiran. Pangatwiranan ang mga bagay na nasa utak ko at mga bagay na nasa utak ng iniisip kong kausap ko. Madalas kaaway ko sarili ko. Pero hindi ko naman sya sinasaktan...mahirap ipaliwanang pero ang alam ko lang, magulo talaga utak ko. Pero hindi talaga ako baliw...

P.S.

Wag mo ko ngingitian pag una palang tayo magkikita.
Oh kaya naman ay sasabihan ng hindi maganda. Wag ka din tititig ng matagal, lalo na pag wala kang balak na kausapin ako. Hindi naman kita sasaktan pag ginawa mo yun, kaso gugulo nanaman utak ko.