Biyernes, Hunyo 14, 2013

Cancer

Nagbakasyon na naman kami ng mga kaibigan ko, dalawang araw at isang gabing bakasyon na naman ang lalasapin namin. Masyado nang maraming problema ang hinaharap namin, masyadong maraming bagay na gustong ipaglaban kahit na alam mong hindi mo kaya, mga bagay na baka hindi mo magawa kasi baka maubusan ka na ng oras para gawin to.

May ikukwento ako, kwento to ng isang kaibigan na hindi ko alam kung hahangaan ko o kaaawaan ko. Mahirap, masakit, nakakaawa. Ganyan ko sya idescribe. Minsan nga narinig ko syang idescribe ng mga kaibigan namin bilang, "SAYANG". Nalungkot ako ng marinig ko  yun. Gusto kong sumigaw para sa kanya, gusto kong maiyak para sa kanya pero ayaw ko. Ayoko ipakita sakanya na naghihina ako, ayoko ipakita na malungkot ako o naawa ako sa kanya kase alam kong ayaw nya ring makita na ganun ako sa kanya.

Siguro nagtataka kayo kung ano ang meron sa kaibigan kong ito. May sakit sya, sa utak. Nakakatawa pakinggan noh? Ano sya baliw? Nag jo joke ba sya? Pero sana nga joke nalang nya yun, sana nga joker lng yung tumor sa utak nya. Pero kahit anong gusto kong isipin na joke yun, alam kong hindi nya kayang magbiro ng ganun lalo na sa aming mga kaibigan nya.

Masayahin syang tao, palatawa, kengkoy... minsan seryoso sya, minsan tawa lang ng tawa. Hindi mo kakikitaan na nanghihina sya, pwera nalang kung talagang pagod kasi bumabagsak talaga katawan nya, nakakatulog sya kahit nakaupo. Sana hindi nalang totoo. Sana mahaba pa ang buhay ng kaibigan ko.

Sa bawat araw na nakikita ko sya, hindi parin nawawalan ng pag asa ang mga mata nya. Kumikislap parin na para bang walang nangyayari sakanya. Ngumingiti parin na para bang hindi sya nasasaktan. Ano bang dapat kong maramdaman para sakanya? Maaawa ba ako, o hahanga? Hanggang kelan ko pa kaya sya makikita o makakasama? Sana maalagaan ko sya.

P.S.

Hindi lahat ng nakikita ay katotohanan, at hindi lahat ng pinapakita ay totoo. Theres a deeper story behind every simple or extravagant things. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento